12.16.2011

Minsan may isang paru-paro

Minsan may isang paru-paro na dumapo sa palad ko.


Iba pala ang pakiramdam na nasa palad mo ang isang simbolo ng malaya, makulay at kahanga-hanggang nilalang. Mula sa pagiging uod na gumagapang sa lupa hanggang sa unti-unti nitong metamorposis sa isang kahali-halinang paru-paro- malaya at tinitingala sa kanyang paglipad. (Tama nga ba ang ispeling ko ng paru-paro?)

Maraming salamat sa PEBA. Sakto ang simbolong napili niyo. Kahanga-hanga ang paru-paro, ganun din kayo.(^_^) Saludo ako sa inyo at sa iba pang nagwagi sa patimpalak na ito.

At ang paru-parong dumapo sa palad ko, nagpakuha pa ng litrato kasama ang kapatid ko. Feel na feel niya no (ng kapatid ko...hahah!). Nanalo kasi ako. Akalain mo, may bago na naman akong telepono? Salamat PEBA at Nokia. 


Okey tama na. Nagdurugo na ang ilong ko, higit na mahirap pala ang pagsulat ng artikulo sa wikang Filipino. Kaya bilang unang subok ko ito sa pagsulat ng ganito... paraanin niyo na kung mali ang gramar ko. Bawal ang "Grammar Nazzi" sa artikulong ito. Maraming Salamat muli at Maligayang Pasko!
Best Blogger Tips
  • Stumble This Post
  • Save Tis Post To Delicious
  • Share On Reddit
  • Fave On Technorati
  • Buzz This Post
  • Tweet This Post
  • Digg This Post
  • Share On Facebook
Blog Gadgets

1 comment: